Linggo, Nobyembre 23, 2014

BIGLAAN


   Ikaw at ako ay pinagtagpo bigla, 
sa simula ang akala ko ay wala,
parang pinglaruan nang tadhana,
hindi akalain pag-ibig na pala.


 Hindi alam kung ano ang pahiwatig,
na syang nag udyok sayo na umibig,
kay hirap paniwalaan na ikaw at ako,
kaylan man ay hindi na magkakalayo.


Mga salita ay kay sarap pakinggan,
 pangako mo pay hindi ako sasaktan,
kaligayahan ko ay syang para sayo, 
yan ang syang laging sinsabi ng puso,


Malayo man sa piling mo aking sinta,
ikaw  lamang syang lagi kong nakikita,
pag-ibig ko ay para sayo laan ,
kahit ang lahat nang ito ay  BIGLAAN. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento